Isa siguro ako sa mga halimbawa ng ‘DEMANDING ANG MGA GIRLFRIENDS’ Ewan! Tama nga naman ‘yun. Minsan, gusto ko ganyan. Gusto ko ganito. Gusto ko ako ang nasusunod. Gusto ko ako lahat. Gusto ko ako ang inuuna. Gusto ko ako lang!!! May magpaka-childish pa nga ako minsan sa kanya eh. Kahit na ba alam kong mahal na mahal niya ko. Kapag wala siya sa ‘king tabi. Feeling ko inaagaw siya ng iba. Siguro natakot na rin kaya ganun na lang ang nafe-feel ko. Kapag nag-aaway kami, bigla kong naiisip. “Hindi na ba niya ko mahal?”, “Nagbago na ba siya?”, o kaya “May iba na siguro siya…” Kapag hindi siya agad nagrereply. Ang dami ng gumugulo sa isip ko. Wala na ba siyang oras sa’kin? May katext ba siyang iba? Napaka-demanding ko no? Pero akalain niyo ‘yun? Kabila ng mga traits kong ganun. Kahit papano natitiis niya ko. May tiwala naman ako sa kanya eh. Alam ko rin na kahit ganito ako minsan, kaya niya kong mahalin ng wala siyang reklamo tulad ng, “Hoy! Magbago ka nga! Ayaw ko ng ganyan ka…” Kung mahal ka naman kasi ng tao, tatanggapin niya mga flaws mo diba? Tanggapin ka niya kung ano ka pa at kung anong meron ka. ..
Naiisip ko palang, kung hindi lang si Pam, may makakatiis kaya sa akin? May magmamahal pa ba sa akin? Magagawa kaya nila yung nagagawa ni Pam? Tatanda siguro ako ng dalaga kapag ganun. Yung ibang lalaki kasi hindi makatiis. Eh tili pa lang ata ng babae, eh parang naririndi na. Siguro kung meron man na nagka-boyfriend akong iba, siguro magsisi siya bakit niya pa ko niligawan. Kasi nga ganyan ang ugali ko. Ganito. Ganyan. Magulo ang utak, minsan naman pabago-bago pa.Siguro si Pam lang talaga…
Ako yung tipo ng girlfriend na, mas aalahanin ang boyfriend ko kaysa sa sarili ko. Pero minsanan lang. Pagdating kasi sa pagkain, minsan nauunahan ko siya. Pagkatapos nun, makiki-share pa ko. Matakaw ako, at alam niya ‘yun… Ako rin ‘yung girlfriend na, kinukwentuhan siya sa lahat ng bagay. Minsan hindi pa konek sa pinaguusapan namin eh. Madaldal ako, at alam niya ‘yun… Ako yung girlfriend na sinasaktan siya. Ang hilig kong mangagat eh. Lalo na sa braso niya. Payat eh. Tapos after 5 minutes, makikita ko sa mukha niya na nasaksaktan nga siya, tapos papakita niya yung braso niya at sasabihin niyang, “Tignan mo oh! Namarka yung ngipin ko sa braso mo…” Ako naman kunwari, walang alam sa ginawa. O kaya nagpapa-sorry. Pero minsan natutuwa lang talaga akong gawin sa kanya ‘yun. Alam ko, gustong-gusto niya ‘yun. Ako rin yung girlfriend na, kapag galit na galit siya. At nahirapan akong suyuin at lambingin siya, at hindi pa rin bumigay sa mga pagpapa-cute at pa-charming ko. Aba! Ako naman! Pa-hard to get siya eh. Kaya sorry siya, quits lang kami…
See? Sabi na sa inyo eh! Demanding ako diba? Pero sasabihin ko sa inyo, kay CARL ANTHONY NAVASCA lang ako naging ganito… Kay Carl lang ako naging ganyan…
Mahal ko siya sobra kahit hindi kami magkaayos ngayon. :'(
ReplyDeletepsst.babe mahal kita.salamat sa mga post mo kh8 may mga negative.salamat pa dn,na appreciate ko mga post mo.kilig gne ko! :)
ReplyDeleteI LOVE YOU
San ba nega dun.. basta sorry.. Lahat naman ginagawa ko babe e, :') Basta wag tayong maghihiwalay ha? ILYSM
ReplyDeletemay mga post ka na mga negative babe.ngayon lng ako nag comment d2 babe kac nahihiya ako sa mga follower mo na ako pala ung lalake.pero gikilig ko babe sa mga post mo!salamat
ReplyDeleteNaks! emote na naman. nu bang kinakahiya mo? pwede ba? wag kang ganyan. wag kang mahiya hiya jan--alam mo nang pinagsisigawan ko na dito kung ganu kita kamahal eh. taz ikaw pahiya hiya ka lang., UPAKAN kita jan e.. amp!!
ReplyDeletei love you
ReplyDelete