Naka-ugalian ko ng magbasa ng mga inbox niya. Mas lalo na yung sent items niya. Pulis niya ko. Bantay sarado dapat. Hindi siya nagbubura ng mga mga texts sa inbox at sent items niya. Kaya umaabot ng 3000+. Hindi mabubura ‘yun hangga’t hindi ko pinapakelaman cellphone niya. Tamad siya eh. Nakakuha siya ng taga-bura ng mga texts niya.
Chine-check ko rin mga saved messages niya. Nakita ko ‘yung mga text ko. Ang drama nung iba. Sa isip ko, paulit-ulit niya siguro ‘tong binabasa kaya niya sinave. Hindi man niya aminin, alam ko kinikilig siya kapag binabasa niya ‘yun. Kasi nung binasa ko rin ‘yun, kahit na ba sakin galing. Parang natuwa ako. Kinilig nga rin eh. Alam mo ‘yung lalaking, nagsasave ng text galing sa’yo? Tapos baka binabasa niya ‘yun ng paulit-ulit, dahil namimiss ka? Siya ‘yun…
No comments:
Post a Comment