Ang sarap isipin kasi merong isang tao na nagseselos kasi ayaw ka lang niyang mawala sa’yo at hindi maagaw ng iba. Kaya lang ‘wag dapat sobra. Kasi magdudulot lang ‘to ng matinding away sa inyong dalawa.
Halos buong araw ko rin siyang kasama ngayon. Hindi ko na ilalahat ang kwento ko. Dahil about sa selos ang feeling kong ikinatatampo niya ngayon. Inasar-asar siya dun sa past, inasar-asar siya sa walang kakwenta-kwentang bagay. Para akong nagpapansin sa kanya. Naka-online ako sa Facebook, nakikita niyang may ka-message akong iba. Feeling ko nagselos siya. Ayos lang. Alam kong mahal naman niya nga talaga ako. Tsaka wala naman sa ‘kin yun eh! Kaya lang, ng pauwi na kami. Ilang beses akong nagpa-sorry sa kanya. Nagpa-sorry ako sa inasal ko, sa nagawa kong ganun. Kasi alam kong napikon siya. Ang gaga ko talaga. Naiinis nanaman ako sa sarili ko. Ng makita ko siyang maluha-luha. Hindi ko siya tinigilan sa kaka-kulit ko ng sorry sa kanya. Eh wala, uuwi na talaga ako.. Tapos nun, kiniss ko na siya.MAHAL KO SIYA
No comments:
Post a Comment